Wednesday , September 22 2021
Rayver Cruz

Rayver emotional sa pagre-renew ng kontrata sa GMA

I-FLEX
ni Jun Nardo

TATLONG taon na bilang Kapuso actor si Rayver Cruz kaya nang i-renew ang kanyang contract sa network, emotional ito.

“Hindi ako emotional na tao pero pero nasapul ako rito,” saad ni Rayver sa renewal ng kontrata niya.

Ang isang natutuwa sa pagiging Kapuso ni Rayver ay ang star builder na si Johnny Manahan dahil magkasama silang muli sa isang network.

Sa loob ng tatlong taong, naging mainstay ng All Out Sundays si Rayver, naging co-host ni Julie Ann San Jose sa The Clash na magkakaroon ng 4th season na at may drama siyang Nagbabagang Luha.

“Sobrang saya at blessed ko lalo na’t sunod-sunod ang trabaho ko ngayon,” saad pa ni Rayver.

About Jun Nardo

Check Also

Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao

Jinkee suportado ang pagtakbo ni Manny sa pagka-pangulo

FACT SHEETni Reggee Bonoan KAHAPON naman ay ipinost ng wifey ni Senator Manny Pacquiao, si Jinkee Pacquiao sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *