Wednesday , August 27 2025
Matteo Guidicelli, Arnold Aninion

Pag-i-squat ni Matteo binanatan ng netizen

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Sabado, September 11, ay nag-post si Matteo Guidicelli sa kanyang Instagram account ng video, na proud niyang ibinahaging na-beat niya ang kanyang personal record sa pag-i-squats sa weightlifting.

Ikinuwento niya ring siya ay nagte-train sa ilalim ng athlete na si Arnold Aninion.

Sa post na ito ng mister ni Sarah Geronimo ay nag-comment ang isang basher ng aktor. Tinawag nito si Matteo at ang kanyang coach na copycat clowns at wannabe Hidilyns, na ang tinutukoy ay si Hidilyn Diaz.

Sinagot naman ito ni Matteo ng pabiro. Sabi niya tungkol sa pagtawag sa kanila ni Arnold, ”these clowns are too funny.”

Si Arnond ay sinagot din ang basher. Sabi niya na tila naghahamon, ”talk is cheap. Come over anytime.”

Sa isa pang comment, sinabihan din ni Arnold ang netizen na huwag nang idamay pa si Hidilyn sa gusto niyang sabihin.

Saad ni Arnold, ”’wag mo na e damay si Hidalyn [laughing emoji] speak for yourself na Lang and post your squat then come to me.”

O ‘di ba, talagang hinahamon ni Arnold ang basher nila ni Matteo?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Nicolas Torre III

Flood serye nagkaroon ng twist sa pagkatanggal kay Torre

I-FLEXni Jun Nardo NAGKAROON ng plot twist ang sinusubaybayang flood-serye kaugnay ng flood control projects …

Korina Sanchez Arnlod Clavio Vico Sotto

Arnold Clavio inulan ng batikos pagsawsaw sa isyu nina Vico at Korina 

I-FLEXni Jun Nardo KINUYOG ng negatibong komento si Arnold Clavio mula sa netizens na panig sa tinuran …

Divine Villareal

Divine Villareal, may hatid na kakaibang ligaya sa “Bulong Ng Laman”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng hot na hot na sexy actress na si …

Media News Reporter

Media outlets/anchors/hosts tumitindi mga usapin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA tumitinding isyu ng media outlets/anchors/hosts na kinuwestiyon ni Pasig City …

Carla Abellana

Carla tinawag ang pansin pagpuna sa mga Discaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY mga netizen na nag-call out na naman kay Carla Abellana dahil sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *