Friday , September 19 2025

Pamilya ni Ping masayang nag-bonding

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TIPIKAL na Filipino family ang Lacson family na nagsasama-sama tuwing Linggo. Kaya naman nakatutuwang makita na ine-enjoy din nila ang pagba-bonding kahit abala sila sa kanila-kanilang buhay.

Last Sunday, ibinahagi ni Pampi sa kanyang Instagram account ang kanilang family bonding na magkakasama silang magkakapatid gayundin ang kanilang ina at si Sen. Ping Lacson.

Present sa Sunday bonding ang panganay ni Sen. Ping na si ReginaldRonald (chief of staff ni Ping sa senado), Panfilo Jr. (asawa ni Iwa Moto), at Jeric (bunso).

Ani Ping, ibang saya ang dulot kapag kompleto at nagkakasama-sama silang pamilya.

Pinusuan ng netizens ang family bonding na iyon ng Lacson family.

Tiyak na kung walang pandemic, makikita rin ang mga anak ni Sen. Ping na sama-samang ‘inilalako’ ang kanilang ama sa taumbayan na tatakbong Pangulo sa 2022 ka-tandem si Sen. Tito Sotto.

Tulad ni Vic Sotto, nauna nang nagpahayag ito ng suporta kay Tito Sen sa mga susunod na plano nito bilang public servant. At nakatitiyak kaming 100 percent din ang suportang ibibigay ng mga anak ni Sen. Ping sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bea Alonzo Vincent Co

Vincent komportable na sa pamilya ni Bea

FEEL din talaga namin na sa kasalan mauuwi ang relasyong Bea Alonzo at Vincent Co. Ngayon lang kasi …

Claudine Barretto

Claudine iniurong demanda sa kapatid

MA at PAni Rommel Placente NAGKABATI na pala sina Claudine Barretto at kuya niya na balak niyang …

Lav Diaz Vice Ganda Sara Duterte

Direk Lav nanawagan kay Vice Ganda: tumakbong VP,  labanan si Sarah

MA at PAni Rommel Placente NANAWAGAN ang direktor na si Lav Diaz kay Vice Ganda para tumakbo itong presidente …

Robb Guinto homemade Hamonado Bologna Sweet Garlic Longganisa

Robb Guinto business minded talaga, Robb’s Homemade Products available na

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG sexy actress na si Robb Guinto ay may maipagmamalaking ipatikim sa …

Will Ashley Alden Richards

Will pumasok ng showbiz dahil kay Alden

MATABILni John Fontanilla NAGPAKATOTOO si Will Ashley sa pagsasabing pinasok niya ang showbiz dahil kay Alden Richards. Bata …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *