Thursday , September 23 2021
Legal Wives
Legal Wives

Pilot ng Legal Wives hinangaan

Rated R
ni Rommel Gonzales

PINUSUAN at umani ng papuri mula sa viewers at netizens ang unang episode ng Legal Wives na napanood nitong Lunes, July 26.

Sa pilot episode ay nasaksihan ang unang pagkikita nina Ismael (Dennis Trillo) at Diane (Andrea Torres) pati na rin ang kabataan ni Ismael na balot ng tradisyon at pananampalataya.

Maraming netizens naman ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa naiibang kuwento ng serye na nagpapakita ng mayamang kultura ng mga Mranaw. ”Kudos GMA sa isang dekalidad na istorya na magmumulat sa bawat isa tungkol sa ating mga kapatid na Muslim.”

Anang isang netizen pa, ”A new gem in primetime television. Another not-to-missed Teleserye experience from GMA. Kudos to the whole team. #LegalWivesWorldPremiere.”

Patuloy na tunghayan ang Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.

About Rommel Gonzales

Check Also

Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao

Jinkee suportado ang pagtakbo ni Manny sa pagka-pangulo

FACT SHEETni Reggee Bonoan KAHAPON naman ay ipinost ng wifey ni Senator Manny Pacquiao, si Jinkee Pacquiao sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *