Saturday , September 18 2021
Coco Martin FPJ Fernando Poe Jr
Coco Martin FPJ Fernando Poe Jr

Coco Martin asintado

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

PALAKPAKAN ang mga nakapanood kay Coco Martin dahil sa mga eksenang bakbakan at barilan, mala-Fernando Poe Jr., ang nakikita namin. Iyong asintado kung bumaril.

Isang baril lang ni Cardo Dalisay sa mga kalaban, tumetembuwang na agad. At kahit isang batalyaon ang kalaban nito, wala silang panama sa actor.

Never ngang tinatamaan si Coco kaya masasabing tila may agimat ito..

Pinapagpag lamang niya ang balikat na nadumihan yata ng pulbura at tuloy ang laban.

Matapang si Cardo na pinasok ang kuta ng mga sundalo at wala  man lang katama-tama. Kaya naman humahanga sa kanya ang mga manonood.

Pero may mga nakataas din ang kilay dahil sobrang imposible naman daw yatang labanan ‘yon na natakasan pa nina Coco at Michael de Mesa ang nangyaring laban.

About Vir Gonzales

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *