Thursday , September 18 2025
Coco Martin Shaina Magdayao
Coco Martin Shaina Magdayao

Shaina super extended ang guesting sa Ang Probinsyano

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ANG dalawang buwang guesting sana ni Shaina Magdayao sa FPJ’s Ang Probinsyano ay umabot na sa mahigit isang taon. Nagsimula ang aktres sa aksiyon-serye noong Pebrero 2020 at mukhang kasama na siya hanggang sa nalalapit na pagtatapos nito ngayong Setyembre raw.

Si Shaina ay si Police Major Roxanne Opeña na kasamahan ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay sa Task Force Aguila pero dahil sa maraming pangyayari ay naging pugante na ang grupo nila kasama sina Angel Aquino, Raymart Santiago, John Prats, Michael de Mesa, Jaime Fabregas at marami pang iba.

Base sa panayam ni Shaina sa ABS-CBN News, ilang beses na-extend ang Ang Probinsyano.

“My character is still alive,  the show is still alive. We’ve been extended and extended and extended. It’s all because of the support of our Kapamilya, and our Kapatid, at ‘yung mga nanonood online. Who would have thought, that in the middle of the pandemic, magiging very successful pa ang ‘Probinsyano.’ I’m very, very grateful,” saad ng aktres.

Simula nang magsimula ang FPJ’s Ang Probinsyano noong 2015 ay hindi ito natinag sa pagka- number 1 at kahit na nawalan na ng prangkisa ang ABS-CBN ay makikita sa Youtube channel live na umabot sa 150,000 o higit pa kung ilang tao ang nanonood nito at para mabigyan din ng tsansa ang mga nasa malayong lugar na hindi kaya ang internet ay naipalabas na rin ito sa freee TV tulad ng A2Z Channel 11, CineMo, TV5, IWantTFC, TFC, WeTV, at iFlix at nanatiling number 1 ito.

Say nga ni Shaina, “Maski kami nagulat.” Dahil kasi sa record-breaking streak on Kapamilya Online Live.

Aside from the free livestreaming service of ABS-CBN on YouTube and Facebook, Ang Probinsyano ay accessible via Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, TV5, CineMo, iWant TFC, TFC, WeTV, and iflix.

Anin na taon na ang programa ngayong Setymbre 2021 at iisa ang tanong, mae-extend pa ba o tatapusin na?

Samantala, nagpapalasamat si Shaina kina President and CEO Carlo L. Katigbak at Chief Operating Officer ng ABS-CBN na si Ms Cory V. Vidanes dahil sa pagiging courageous nila sa kabila ng maraming problemang kinakaharap ngayon ang Kapamilya Network.

“Sila talaga ‘yung perfect example of survivors who thrive. They just don’t survive, they’re thriving. When you look up to them and observe kung ano ang ginagawa nila, they are not doing this for themselves. They’re actually doing this for the network and for the employees,” pahayag ng dalaga.

At bilang Kapamilya sa loob ng 25 years ay, “It’s family, more than ever. The term Kapamilya never really set in until the last year.

“It’s true, whenever you face challenges, whenever your faith is tested, that’s when you see who your true Kapamilya are.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Robb Guinto homemade Hamonado Bologna Sweet Garlic Longganisa

Robb Guinto business minded talaga, Robb’s Homemade Products available na

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG sexy actress na si Robb Guinto ay may maipagmamalaking ipatikim sa …

Will Ashley Alden Richards

Will pumasok ng showbiz dahil kay Alden

MATABILni John Fontanilla NAGPAKATOTOO si Will Ashley sa pagsasabing pinasok niya ang showbiz dahil kay Alden Richards. Bata …

Claudine Barretto Rico Yan

Claudine ipinagmalaki ‘inari’ nang anak ng ina ng yumaong si Rico Yan

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG nang basagin ang trip ni Claudine Barretto. Ipinagmalaki kasi niyang kabilang na …

Julia Barretto

Julia Barretto inili-link sa isang negosyante

TIKOM ang bibig kapwa nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa ilang buwan na ring usap-usapan na break na …

Ralph Dela Paz

Ralph Dela Paz lucky year ang 2025 

MATABILni John Fontanilla MUKHANG lucky year para kay Ralph Dela Paz ang 2025 sa dami ng proyektong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *