Saturday , July 31 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kisses sasabak sa Miss Universe Philippines 2021
Kisses sasabak sa Miss Universe Philippines 2021

Kisses sasabak sa Miss Universe Philippines 2021

MATABIL
ni John Fontanilla

SUMABAK na sa mundo ng beauty pageant si Kisses Delavin  dahil isa siya sa official candidate ng 2021 Miss Universe Philippines.

Isa sa pangarap ni Kisses ang maging beauty queen at very vocal ito sa pagsasabimg gusto niyang sumali sa Miss World o Binibining Pilipinas.

Kaya naman taon-taon ay maraming nag-aabang sa pagsali ni Kisses sa mga local beauty pageant. Kaya naman marami ang natuwa nang i-announce ng Miss Universe Philippines na isa ito sa candidate ngayong taon.

Gustong sundan ni Kisses ang yapak ng mga Pinay na naging beauty queen tulad ni  Gloria Diaz (Miss Universe 1969), Margarita Moran  (Miss Universe 1973), Pia Wurtzbach (Miss Universe 2015), at Catriona Gray (Miss Universe 2018).

Ilan sa mahigpit na makakalaban ni Kisses ngayong taon ay sina Maureen Wroblewitz (winner ng Asia’s Next Model Season 5) at Leren BautistaBb. Pilipinas Globe 2019.

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top