Sunday , September 19 2021

Maya sa sapatos ni Alwyn hudyat ng pagbabalikan nila ni Jennica 

IPINOST ni Jennica Garcia nitong Linggo ang larawan ng isang baby Maya na dumapo sa sapatos ng asawang si Alwyn Uytingco sa may pintuan nila at maraming followers ang nagsabing senyales ito na mag-ayos silang mag-asawa.

Mukhang maganda na ang relasyon ng dalawa dahil nakakapag-usap na sila dahil sinundo ni Alwyn ang mga anak nila.

Caption ni Jennica sa larawan ng ibon. “HELP PLEASE! We think its a baby maya.

“Alwyn took the kids earlier. When it was time for him to bring the children back to me, he found a bird inside his shoe! They waited for another bird to come get him but no other bird came despite the chirping sound that he makes! They couldn’t leave the baby bird behind because there are a lot of stray cats in the area. When my kids arrived, may +1 ng ibon! Mori fervently prayed that the birdsurvives in our care. Na-pressure po ako. Tulong sino may alagang ibon po.

“Ano po papakain ko? Di siya lumilipad. I don’t think, his wings are damaged sadyang baby pa po ata siya. Do I need a syringe to feed him or do I put it in a shallow bowl? What food? Its 9:30PM already, I don’t think a pet shop is still open.”

Maraming nagpayo kay Jennica na pakainin ito ng cerelac at fruits.  At pagkalipas ng ilang oras ay nag-post ulit ang aktres ng update sa ibon.

“UPDATE AS OF 10:16PM

“Availed Grab Pabili Service for syringe and Cerelac. There are no nearby tree in the area from where the baby bird is found. It was inside Alwyn’s shoe which is placed before the doorstep. May wide roof din po above the shoe since it is a gated parking area.

“Baby Bird looks very young in age because parts of his stomach and chest does not have feather yet. Praying the he survives under my care. Mori and Alessi lost two dogs already last month from old age. Alaga po nila Papa ko kung saan madalas sila Mori. Thank you for your well wishes and prayers! Baby bird, laban tayo. 🤍

 “Setting my alarm to 3 hours at a time to offer food to baby bird.”

 Naaliw kami, biglang nagkaroon ulit ng bagong baby si Jennica at natagpuan pa mismo sa sapatos ni Alwyn.

Hmm, hindi kaya hudyat ito na kailangan nilang mag-ayos at buuin ang pamilya?

Sabi nga ni @maisebettella, “Don’t you think it’s a sign about sa inyong mag asawa? Di ko alam ilang sentence palang kakabasa ko sa post mo pero nu’ng banggitin mo na sa loob galing ng shoes ni Alwyn parang there’s something about it. Sign talaga sya. If you have wisdom which I’m pretty sure you have iba mafe-feel mo.”

Ayon naman kay @marykay_ph, “Yang Maya ang sign ng one more chance.”

Mula rin kay @weng44, “That bird is a blessing.”

Say din ni @dollyriley0702, “That’s a sign of hope, care and love from God.

– Reggee Bonoan

About Hataw Tabloid

Check Also

Klosetang actor at gay celebrity nagkapatulan

KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *