Friday , April 26 2024

Fernandino PWDs binakunahan sa Pampanga

TINURUKAN ng CoVid-19 vaccine ang ilang grupo ng mga Fernandinong may kapansanan o persons with disability (PWDs), itinuturing na kabilang sa most vulnerable sector sa pagdiriwang ng 43rd  National Disability Prevention and Rehabilitation Week na ginanap nitong Sabado, 17 Hulyo, sa Heroes Hall, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.

Personal na pinamahalaan ang bakunahan ng City Health Office kaantabay ang City Social Welfare and Development Office at City Persons With Disability Affairs Office.

May layuning itaguyod at panatilihing malusog upang patatagin ang ekonomiya ng mga may kapansanang mamamayan ng lungsod.

Namahagi rin ang pamahalaang lungsod ng San Fernando ng hygiene kits, wheelchair, saklay, walker at iba pang pangangailangang gabay ng mga PWD. (RAUL SUSCANO) 

 

About Hataw Tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *