Saturday , April 27 2024
nakaw burglar thief

Laborer kulong sa pagnanakaw

ARESTADO ang isang construction worker habang pinaghahanap ang dalawang kasabwat nito matapos pasukin at pagnakawan ang isang online shop sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Wilfredo Arias, 28 anyos, residente sa Pinagsabugan, Brgy. Longos habang pinaghahanap ng mga pulis si Dindo Vilela, 38 anyos at isa pang hindi kilalang kasabwat.

Sa pahayag ng mga nakasaksi kina police investigators P/SSgt. Michael Oben at P/SSgt. Jeric Tindugan, dakong 4:30 am, nakita nilang sakay sa isang tricycle ang mga suspek at sapilitang binuksan ang pinto ng Jheylyn Online Shop sa Sanciangco St., Brgy., Tonsuya gamit ang lagaring pambakal.

Nang makapasok ang mga suspek, kinuha ang P15,000 cash, apat na kahon ng Cadburry licable’s chocolate, isang  box ng Tang Oranges Juice, apat na kahon ng Oreo Cup, isang box ng Magnolia Cheezee (150 pcs.) at tatlong 1L bottle ng Alfonso brandy na umabot lahat sa P45,350 ang halaga.

Matapos ito, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng get-away tricycle habang ipinaalam ng mga saksi sa biktimang si Raynalyn Neri, 27 anyos, isang business­woman at residente sa Pasco St., Brgy. Tonsuya ang insidente.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga barangay tanod at Malabon Police Sub-Station 5 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Arias. Nakompiska ang ginamit na get-away vehicle ngunit hindi na narekober ang mga ninakaw.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *