Thursday , September 23 2021

Tom feeling naka-jackpot kina Dina at Jaclyn

Rated R
ni Rommel Gonzales

ISANG malaking karangalan para kay Tom Rodriguez na sa The World Between Us ay katrabaho niya ang dalawa sa pinaka-mahuhusay na aktres sa Pilipinas, sina Dina Bonnevie at Jaclyn Jose.

Hindi nga niya maipahayag nang todo sa pamamagitan ng mga salita kung gaano siya kasuwerte sa oportunidad na ito.

“I can’t begin to stress enough how lucky I feel to be working with veteran actresses of such caliber. 

“And not for the first time, I’ve been lucky to have worked with the both of them.”

Para kay Tom, “baul ng karunungan at kaalaman” tungkol sa buhay at pagiging artista sina Dina at Jaclyn.

“They’re treasure troves of wisdom and knowledge, hindi lang sa life experiences pero maging sa craft.

“Jasmine said it perfectly na they’re so generous with their wisdom and experience.”

Maging ang female co-star ni Tom sa The World Between Us na si Jasmine Curtis-Smith ay labis din ang pasasalamat at papuri na mabigyan ng pagkakataong makatrabaho sina Dina at Jaclyn.

“Kasi ang sarap na paghugutan. Kasi, I still consider myself a newbie actor. There’s so much that is still out of my capacity. Parang ‘yung palette ng pagpipinta ko ng kontribusyon ko sa show na ‘to, I still feel like it’s still limited.

“And it’s nice seeing the palette that they have, and they’re nice enough to hand me a tube of paint and put it on my own palette.

“And I’m so thankful to the both of them, na kinukunsinti nila ako, they tolerate and they really help me out,” pagkukompara pa ni Tom sa pag-arte sa harap ng kamera at sa pagiging isang pintor na isa pa ring talento ni Tom.

 

 

About Rommel Gonzales

Check Also

Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao

Jinkee suportado ang pagtakbo ni Manny sa pagka-pangulo

FACT SHEETni Reggee Bonoan KAHAPON naman ay ipinost ng wifey ni Senator Manny Pacquiao, si Jinkee Pacquiao sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *