Tuesday , July 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sheree, nagpasilip nang todo sa pelikulang Nerisa
Sheree, nagpasilip nang todo sa pelikulang Nerisa

Sheree, nagpasilip nang todo sa pelikulang Nerisa

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AMINADO ang sexy actress na si Sheree na pinaka-daring niyang pelikula ang Nerisa. Ang naturang pelikula ng Viva Films ay tinatampukan nina Cindy Miranda, Aljur Abrenica, Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, AJ Raval, Gwen Garci, at Sean De Guzman.
 
Pahayag ng dating member ng Viva Hot Babe, “Yes po, ito ang pinaka-daring na pelikulang ginawa ko. Pero kung sakaling bigyan ako ng iba pang mas daring like ‘yung remake ng Burlesk Queen, Ngayon ni Ina Raymundo, papayag ako.”
 
Ano ang role niya sa pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Lawrence Fajardo at mula sa panulat ni Ricky Lee?
 
Tugon ni Sheree, “Ako ang isa sa mga kaibigan ni Nerisa na tagapagtanggol nila. Ako po ‘yung isa sa mga sex workers ng isla.”
 
Kumusta naman katrabaho sina AJ at Cindy?
 
Saad ni Sheree, “Actually, si AJ ay napakabait, ang sarap kasama. Si Cindy naman, noong una medyo ano kami, hirap kami sa kanya, kasi medyo aloof siya sa tao. Pero noong kinausap naman namin, medyo nag-try naman siyang mag-reach out, so buti naman, e introvert daw siya, e. So, buti naman, in fairness naman sa kanya, bumawi naman siya.”
 
Gaano kahirap sumabak sa frontal nudity?
 
“Naku, feeling ko talaga na-devirginized talaga ako nang bonggang-bongga roon, ganoon ang pakiramdam. Kasi siyempre dati nanonood lang ako sa movies nina Maui (Taylor), nina ganito, kasi ako ‘yung laging hindi nakakasama kapag sobrang daring na, e. Dahil hindi ko kaya iyong ganoon…” Natatawang saad ni Sheree.
 
“Pero ngayon, nasabi ko, siguro it’s about time, na kahit maging senior citizen ako, masasabi kong nagawa ko na lahat sa pelikula. So, wala naman kasi iyon kung gaano ka-sexy ang ginawa mo, nandoon pa rin naman ‘yun sa pag-arte mo, ‘di ba? Nasa story ng film, kung paano mo siya i-deliver… ganoon…”
 
Dagdag ni Sheree, “Iyong character ko kasi, it realy calls for it. Kailangan talaga sa eksena, importante siya sa eksena na gawin ko iyon.
 
“So kung gagawin ko siya ng half baked magiging pangit siya, hindi ba? Kaya sabi ko, sige na. Pero bago ko tinanggap iyong film, nang nabasa ko ang script ay tinanaong ako ni Boss Vic kung ready na ako and sabi ko talaga ay ready na ako. Tutal si Direk Law naman ang director and I trust him naman na magiging tasteful ang dating ng love scene, so why not?
 
“So pagdating ko sa eksena, ready na ako na parang… okay, ito ang gagawin ko, ito ang ipapakita ko. Na kumbaga ay parang naka-set na talaga ang mind ko.
 
“Kasi ay pinaghandaan ko talaga siya. Kasi kapag ready ka sa sarili mo, mawawala na iyong kaba. Siyempre ay nandoon pa rin iyong kaunting kaba, pero mas ready ka na. Kumbaga, naka-focus na ako sa kailangan kong gawin sa movie namin at kailangan kong ipakita. Kaya nakaya ko, kinaya ko talaga,” esplika ni Sheree.
 
Ang Nerisa ang sinasabing isa sa pinaka-sexy at daring na pelikula ng taon. Iniligtas ng mangingisda na si Obet (Aljur) ang magandang babae na si Nerisa (Cindy) na palutang-lutang sa dagat.
 
Mula noon ay naging sunod-sunod ang kamalasan at mga ‘di maipaliwanag na pangyayari sa kanilang isla. Ang lahat ng mga kamalasan at ‘di maipaliwanag na pangyayari ay sinisi ng mga taga-isla kay Nerisa, at may mga haka-haka pa sila na isa siyang sirena dahil sa kanyang kakaibang ganda at sa misteryong bumabalot sa kanya.
 
Walang pakialam si Nerisa kahit kinaiinggitan siya ng mga kababaihan at pinagnanasaan ng mga lalaki sa isla. Dahil ang importante lang para sa kanya ay ang taong nagligtas sa kanya at kanyang napangasawa, si Obet. At nang mawala sa dagat si Obet dahil sa isang aksidente, nangako si Nerisa na gagawin at ibibigay niya ang lahat… maski ang kanyang katawan, mahanap lang ang kanyang asawa.
 
Sa July 30 ang global premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, and TFC IPTV sa halagang P249 at sa Vivamax. Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net.

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top