Tuesday , July 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor minamadaling magpabakuna ni Gay Businessman para maisama abroad
Aktor minamadaling magpabakuna ni Gay Businessman para maisama abroad

Aktor minamadaling magpabakuna ni Gay Businessman para maisama abroad

MINAMADALI raw ng isang Gay Businessman ang isang Male Star na magpa-bakuna na para maisama niya iyon sa abroad. Madalas kasi ang mga nakaka-date ng gay businessman dinadala sa abroad dahil parang doon ay mas palagay ang kanyang loob. Hindi kagaya kung dito na maraming makakikita sa kanila.

Kailangan din naman bakunado ang male star, kahit na isasama lang siya ng gay businessman sa kanyang probinsiya. Nabakunahan na naman daw ang male star, pero naghihintay pa siya ng second dose kaya hindi pa puwede sa mga lakad na balak ng gay businessman.

At saka nag-iisip din naman daw ng alibi ang male star, ano ang sasabihin niyang dahilan kung bakit siya mawawala? Kahit na hindi sila in good terms ni misis, ayaw pa rin niyang malaman niyon ang pambabakla niya. Nakahihiya nga naman. Baka masapak pa siya ng biyenan niya. (Ed de Leon)

 

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top