Saturday , September 18 2021

Pagsasalpukan nina Alice, Bianca, at Andrea inaabangan na 

INAABANGAN na ang salpukan nina Alice Dixson, Bianca Umali, at Andrea Torres sa Legal Wives.

Iikot ang kuwento ng serye sa Maranaw na si Ismael (Dennis Trillo) at sa tatlong babaeng pakakasalan niya nang dahil sa magkakaibang dahilan.

Challenging para kay Andrea ang karakter niyang si Diane, ang nag-iisang Kristiyano sa tatlong asawa. ”I think ang pinaka-challenge is to find that balance kasi there are so many layers to her character, napakadami niyang pagdadaanan dito.”

Bagong perspektibo naman ang naibigay ng serye kay Bianca, na gaganap bilang pinakabatang asawang si Farrah. ”Ngayon nandito ako at nakikita ko lahat, sa totoo lang sobrang daming matututunan pati about life eh—’yung perspective sa buhay, kung paano mo titingnan ‘yung mga sitwasyon.”

Samantala, magandang paraan naman para kay Alice ang kanilang programa upang higit na mas makilala ng viewers ang kultura ng mga Muslim. ”They’re actually very loving, God-fearing people. They have the same goals and desires in their lives. They have strong family bonds.”

(JOE BARRAMEDA)

About Joe Barrameda

Check Also

Klosetang actor at gay celebrity nagkapatulan

KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *