Monday , September 20 2021

Bea iginiit wala siyang iniwang project

HATAWAN
ni Ed de Leon

SINABI ni Bea Alonzo na wala siyang iniwang project sa dati niyang network ng ganoon na lang. Inamin din niyang bago siya pumirma sa GMA at kumuha rin ng bagong manager, isang taon na siyang walang kontrata sa dati niyang network. Nangyari naman iyon nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN, kaya nga legally dissolved na ang kompanya at ang lahat ng obligations niyon. Dahil ang kontrata ay isang bilateral agreement, kung ang isang kompanya ay wala nang kakayahang tuparin pa ang kasunduan, ang nakakontrata ring talent sa kanila ay wala nang obligasyon sa ilalim ng kontratang iyon.

Hindi naman naghahabol ang ABS-CBN batay sa kontrata nila. Ang dinadale ng ilang tauhan ng ABS-CBN ay utang na loob daw, at iniwan ang isang project nang ganoon na lang kaya kawawa raw ang ibang artista at staff na nawalan tuloy ng trabaho. Para mapatunayang may iniwan ngang proyekto si Bea, inilabas nila ngayon ang isang trailer ng serye, na hindi naman mabubuo kung kaunti pa lamang ang nai-shoot.

Pero katuwiran ba iyon para pagbayarin nila si Bea kung ano man ang nagastos doon?

About Ed de Leon

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *