Saturday , September 18 2021

Karen sa mga namba-bash kay Bea: kalma lang

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

BAKIT kaya may isang active production executive sa ABS-CBN at isang dating ganoon din ang puwesto sa nasabing network ang pinarurunggitan si Bea Alonzo sa paglipat nito sa Kapuso Network  ilang araw lang ang nakararaan?

May ibinitin umanong serye si Bea sa ABS-CBN, ang Kahit Minsan Lang na nagsimulang mag-taping sa General Santos City sa Mindanao noong September 2019. Sina Richard Gutierrez at Rafael Rossell ang mga katambal ni Bea sa nasabing serye.

Wala pang Covid noong itigil ang taping. Pero noong February 2020 ay nagka-Covid na nga sa bansa kaya’t ayaw munang mag-taping ni Bea.

Noong September 17, 2020, inilabas ng Star Creatives ang opisyal na pahayag na cancelled na ang Kahit Minsan Lang.

Lahad ng nasabing production arm ng network: ”The nature of the material developed for [Bea] Alonzo cannot be accommodated at present because of the restrictive scenarios of shooting.”

Gayunman, nilinaw doon na ang Star Creative na, ”is looking forward to working with Alonzo again in the future.”

Noong November 26, 2020, naglabas ng official statement ang ABS-CBN Integrated Corporate Communications tungkol sa desisyon ni Bea na umalis sa Star Magic, ang talent management arm ng Kapamilya Network na namahala sa kanyang showbiz career sa loob ng 19 taon.

Nakasaad sa pahayag ng ABS-CBN Integrated Corporate Communications na kahit iba na ang mamamahala sa showbiz career ni Bea, mananatili itong Kapamilya.

“After a series of consultations, Bea Alonzo has decided to pursue her professional goals under a new talent management. Bea has subsequently advised ABS-CBN that she has appointed Ms. Shirley Kuan to represent her as manager. We respect her decision.

“ABS-CBN has full confidence that Ms. Kuan, an industry veteran, will manage Bea with the same attention and care that Star Magic has devoted to Bea’s professional career. Star Magic is coordinating with Bea and her new management to ensure a smooth and seamless transition.

“Even if Bea is no longer with Star Magic, she will always remain a Kapamilya.”

Pero makalipas ang walong buwan, ganap nang Kapuso ang aktres.

Mabuti pa ang Kapamilya newscaster at public affairs host na si Karen Davila, inunawa ang paglipat ni Bea. Sa kanyang Twitter account kamakailan, nag-post si Karen ng mensahe sa mga apektado ng pag-alis ng aktres sa Kapamilya Network.

“Let us be slow in casting judgment over a person’s decision to leave.

“Hindi po natin alam ang buong kuwento. Lahat naman po tayo kailangang magtrabaho.

“Maliit po ang industriya. Bilog po ang mundo. Magkikita kita rin tayo.

“All will work out in God’s time,” tweet ni Karen noong mismong araw na nakatutok ang karamihan sa contract signing ni Bea at sa global media conference ng GMA-7 para sa bagong Kapuso star.

“Sorry to hear this” at ”Too much negativity on social media today over a transfer. To each his own. Kalma lang,” ang magkasunod na reaksiyon ni Karen sa paliwanag ng mga nagtatampo kay Bea, na may iniwan umanong TV series sa ABS-CBN nang lumipat siya sa GMA-7.

 

 

About Danny Vibas

Check Also

Klosetang actor at gay celebrity nagkapatulan

KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *