Saturday , September 18 2021

Jasmine napaiyak sa video call ng ina

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAGING emosyonal si Jasmine Curtis-Smith mata­pos mapanood ang surprise video message mula sa kanyang Mommy Carmen na naka-base ngayon sa Australia.

Parte ito ng naganap na FunCon na inorganisa ng GMA Pinoy TV noong June 30. Nakasama ni Jasmine ang kanyang co-stars na sina Alden Richards at Tom Rodriguez ng highly-anticipated primetime series na The World Between Us.

Aniya, ”I miss my mom so much. We haven’t spoken kasi in like two weeks so thank you for that surprise. Like it’s making everything so worth it and I miss her so much.”

Sa video message ay inilarawan ni Mommy Carmen ang anak na si Jasmine. ”Very friendly siya and very loving daughter, ganyan, [and] mahilig siya kumain ng Pinoy food – beef steak, adobo.”

Dagdag pa ng kaniyang ina, “Keep smiling and ‘wag kang masyadong mag-isip sa ngayon dahil I know that you’re always worried na hindi tayo nagkikita but I always love you.”

Samantala, makaka­sama rin nila sa serye sina Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Sid Lucero, Kelley Day, at Yana Asistio. 

About Joe Barrameda

Check Also

Klosetang actor at gay celebrity nagkapatulan

KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *