Monday , September 20 2021

2 tulak ng droga, arestado sa buy bust sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operations ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni P/Cpl. Glenn De Chavez kay Valenzuela City chief of poplice Col. Ramchrisen Haveria, Jr., dakong 8:00 pm nang magsagawa ang operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Sia Compound, Lamesa St., Ugong laban kay Revy Cañaveral, 27 anyos, ng Brgy. 164 Talipapa, Caloocan City.

Agad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na poseur buyer.

Nasamsam sa suspek ang tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000, buy bust money, coin pouch at P1,000 cash.

Dakong 4:50 am nang matimbog ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa kanyang bahay sa Salvacion Look, Brgy. Gen. T. De Leon si Santiago De Vera, alyas Santi, 40 anyos.

Ayon kay SDEU investigator P/Cpl. Christopher Quiao, nakompiska kay De Vera ang tinatayang nasa pitong gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600, P500 buy bust money, P300 cash, cellphone at coin purse. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Mister pinatay sa harap ng misis sa Pasig Edwin Moreno

Mister pinatay sa harap ng misis sa Pasig (Kaso pinapatutukan ni Eleazar)

SA KABILA ng nagkalat na close circuit television (CCTV) camera sa lungsod ng Pasig, nakuha …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *