Saturday , September 18 2021

P1.2-M droga nasamsam sa 3 HVT arestado

NADAKIP ng mga awtoridad sa ikinasang anti-drug operation ang tatlong high value target (HVT) at nakuha sa kanila ang higit sa P1 milyong halaga ng ilegal na droga sa lungsod ng Marikina, nitong Martes ng gabi, 22 Hunyo.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Mark Gil Busa, Abdulah Ebrahim, alyas Boss, at Khalid Omar Latip, pawang nasa drug watchlist bilang high value target, at nakatira sa Kapitan Enrico Cruz St., Brgy. Sto. Niño, sa nabanggit na lungsod.

Nabatid, dakong 7:00 pm kamakalawa, nang madakip ang mga suspek sa buy bust operation matapos pagbentahan ng droga ang isa sa mga operatiba.

Nakompiska mula sa mga suspek ang 11 transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 150 grams at nagkakahalaga ng P1,200,000; iba’t ibang shabu paraphernalia, at buy bust money.

Nakapiit ang tatlong arestadong suspek sa detention cell ng pulisya.

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Michael Yang, Pharmally, DOH, PS-DBM,

‘Taya’ ni Yang sa Pharmally ‘pitik’ sa P42-B pandemic funds ng DOH

AALAMIN ng mga senador kung ang P7-B ipinautang umano ni dating presidential economic adviser Michael …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *