Wednesday , August 27 2025

Health protocols implementation lalong humihigpit (Bakunado dumarami)

YANIG
ni Bong Ramos

SA RAMI ng mga kababayan nating nabakunahan na ay mas lalo naman yatang humihigpit ang ating gobyerno sa pagpapatupad ng health protocols na dapat sana ay luwagan nang konti.

Tila hindi hulma o tugma ang kalakarang ginagawa ng administrasyon na dapat ay nagluluwag na sa health protocols base sa bilang ng mga nabakunahan.

Iyan nga ang rason kung kaya’t minamadali na ang pagpapabakuna para sa lahat ng Pinoy dahil ito ang malakas na proteksiyon laban sa CoVid-19.

Lumalabas na balewala rin ang mga bakunang itinurok sa ating katawan kung mananatili ang takot at pangamba sa mga mamamayan dahil sa health protocol na patuloy na ipinapatupad ng ating gobyerno bakunado man o hindi.

Halos mahigit isang taon na ang pandemya ngunit walang ipinagbago sa pagsunod sa health protocols gayong nandito na ang mga bakuna na sinasabi nilang lunas o dili kaya’y proteksiyon laban sa virus.

Imbes magluwag, maski na unti-unti ay lalo pang hinigpitan sa mga health protocol ang mamamayan sa kabila ng pagdating ng mga bakuna.

Hindi kaya masyadong over-protective na ang ating gobyerno sa mga mamamayan? Pamimihasain na lang bang palagi na sumunod sa mga health prorocol ang ating mga kababayan na simula pa lang ay iyon at iyon pa rin?

Kailan kaya nila malalaman kung talagang epektibo ang mga bakunang itinurok sa kanilang mga katawan gayong wala namang ibang nababago sa kanilang ipina-patupad.

Mantakin ninyong ultimo face shield ay patuloy pang ipinapagamit sa mga kababayan natin gayong may facemask pa rin naman na obligadong isuot saan man at ninoman.

Hanggang kailan kaya mababalot ng takot at pangamba ang taongbayan sa kabila ng pagdating ng mga bakuna na kung saan-saang bansa nagmula?

No guts, no glory dahil kailangan nating makipag-sapalaran sa anomang sitwa­syon na dumating sa ating buhay. Iwaksi muna natin ang takot at pangamba para sa buong bansa.

Hindi kasi tayo aasenso at hindi rin aandar ang ating ekonomiya kung mananatiling takot na hindi malayong makasanayan na rin natin.

There’s no harm in trying at dapat natin isipin na hindi ibibigay sa atin ng Diyos kung hindi makakayanan.

Huwag nating beybehin ang virus dahil siguradong igugupo tayo nito. Nasa paniniwala rin natin kung paano malalampasan at mapag­tatagumpayan ang  pinagdaraanan. Kaya natin ito!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Isa pang panalo vs online gambling

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISANG linggo makaraang manindigan ang GCash laban sa online …

Dragon Lady Amor Virata

Salamat sa DSWD

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata DALAWAMPU’T DALAWANG ospital sa bansa ang tumatanggap ng guarantee …

Firing Line Robert Roque

China, tahimik lang; asar-talo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKABIBINGI ang pananahimik ng China. At dinig ito ng …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Tambalang national gov’t, LGUs at NLEX tutugon sa  flood mitigation

PADAYONni Teddy Brul PINADALISAY ang pagtutulungan ng NLEX Corp., sa Department of Transportation (DOTr), Toll …

Sipat Mat Vicencio

‘Sandok’ ni Imee hindi lumusot kay Atty. Princess Abante

SIPATni Mat Vicencio KUNG makapanlait itong si Senator Imee Marcos, para bang walang kapintasan. Wagas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *