Monday , July 26 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pokwang gabi-gabing umiiyak
Pokwang gabi-gabing umiiyak

Pokwang gabi-gabing umiiyak

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

LAST 2019 pa pala nakikipag-usap si Pokwang sa management ng GMA. Okay naman siya sa ABS-CBN pero sa dami ng artista, hindi lang siya ang inaasikaso ng network. Kaya naisip niya na hindi na siya bumabata at marami pa siyang gustong gawin.

Noong nag-start ang pandemic, halos gabi-gabing naiiyak siya at sobrang depress sa nangyayari dahil bukod sa pag-aartista ay apektado rin ang food business niya. Kaya naisip niya na mag-open ng online order sa negosyo niya at dahil hindi makalabas ang mga tao ay klik na klik ang business niya. Ang lakas ng negosyo niya.

Nagpapasalamat siya na with open arms siyang tinanggap at niyapos ng GMA at aminado siya na siya ang lumapit sa network. Siyempre gusto niyang makasama ang maraming Kapuso stars at gaya na nabanggit ko noon ay nagkasama sila ni Jeric Gonzales na puring-puri niya sa isang episode ng Wish Ko Lang na pang anniversary presentation na sa July eere.

Kaya wish namin na magiging maganda ang pagpasok ni Pokwang sa Siete.

 

 

 

 

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top