Friday , April 26 2024

Ultimatum ng Hugpong kay Sara sa Hulyo na (Para sa presidential race)

ni ROSE NOVENARIO
 
BINIGYAN ng ultimatum ng Mindanao-based political party Hugpong ng Pagbabago (HNP) si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na ihayag ang pinal na desisyon kung lalahok sa 2022 presidential race sa susunod na buwan.
 
Inamin ito ni Sara kagabi sa panayam sa TV Patrol kasunod ng pahayag na pinag-iisipan niyang sumali sa 2022 presidential derby.
 
Aniya, marami ang humihiling na irekonsidera niya ang pasya na huwag tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 noong nakalipas n Enero.
 
Hiniritan umano siya na palawigin ang pag-iisip ng desisyon hanggang Abril at binigyan siya ng mga gobernador na miyembro ng HNP hanggang Hulyo upang ganap na magpasya kung desidido na siyang maging presidential bet.
 
“Well pagbabago, pinag-iisipan, a lot of people are asking me to reconsider my decision not to run for president and a lot of people are demanding to talk to me about it. Nag-decide na ako noong January, I was asked to extend up to April 30. By April 30 I was asked to extend it until July. So, July binigyan ako ng HNP governors until July to decide,” ani Sara.
 
Tinuldukan ni Sara ang mga espekulasyon ng tambalang Duterte-Duterte sa 2022 elections.
 
“It will never happen na may Duterte-Duterte and then sinabi naman na ni PRRD ang mga reasons niya bakit ayaw niya ako tumakbo,” sabi niya.
 
Bago aniya siya papiliin ng magiging vice presidential bet kailangan muna niyang magpasya kung itutuloy ang kandidatura sa pagka-pangulo.
 
“Well all of them are my friends, ang dami-dami kong kaibigan from 2010, 2016 to 2019 elections, so lahat sila mga kaibigan ko. Siguro mag-decide muna kung tatakbo ba ko talagang Pangulo bago pag-isipan ang vice president,” dagdag niya.
 
Itinanggi ni Sara ang akusasyon na scripted ang pag-urong sulong niya sa presidential race gaya ng ginawa ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections.
 
“Walang script. Ngayon ay pinag-iisipang maigi ‘yung desisyon dahil hindi ito madaling trabaho,” anang alkalde.
 
Ikinaila rin niya na magkaaway sila ni Vice President Leni Robredo bunsod ng kanyang buwelta sa pahayag ng Bise-Presidente sa CoVid-19 situation sa Davao City.
 
“Hindi ko lang kasi matanggap doon sa mga sinabi niya is that ‘yung private sector parang walang relationship with the city government ng Davao which is not true. Kasi dito sa Davao City, lugi-lugi na nga ‘yung mga businesses but they still help the city government in CoVid-19 response namin dito. And ‘yung parang ini-imply na inactive ‘yung medical community dito sa Davao City which is totally false kasi they have been silently suffering since March of last year, hindi puwedeng hindi ko i-defend itong mga sectors na ito,” paliwanag niya.
 
Tiniyak ni Sara, nakahanda siyang makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war killings sa Davao City ngunit kailangan niya ang permiso ng national government.
 
“We are willing and we are open to help subject to the permission of the national government. If the national government tells us or the the DILG tells us — ‘Davao City government, you open whatever they need,’ so susunod kami,” aniya.
 
Nauna nang nanindigan ang Malacañang na hindi makikipagtulungan sa ICC.
 
Kinompirma ng alkalde na nakipagpulong siya sa ilang negosyante sa Maynila kamakailan sa bahay ni Sen. Imee Marcos pero wala umano silang pinag-usapan tungkol sa politika.
 
“Walang politics na napag-usapan doon because tatlo lang naman kaming politician, apat na politicians kaming andoon, one former mayor, and two senators, sina Sen. Bato dela Rosa and Sen. Imee Marcos and all the rest of the group were from the private sector. Very casual meryenda, sabi ni Sen. Imee kailangan kong magmeryenda before I come home to Davao City,” kuwento ni Sara.
 
Ilan sa mga nagtungo sa Davao City na nagnanais na maging vice presidential bet niya ay sina Cong. Martin Romualdez, dating Sen. Bongbong Marcos at dating Defense Secretary Gilbert Teodoro.

About Rose Novenario

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *