Thursday , July 29 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Senior High School students binigyan ng educational assistance sa Pampanga
Senior High School students binigyan ng educational assistance sa Pampanga

Senior High School students binigyan ng educational assistance sa Pampanga

PINAGAKALOOBAN ng educational assistance ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga ang mga mag-aaral na nasa Senior High School (SHS) upang matulungan sa kanilang mga pangangailangan sa panahon ng pandemya.
 
Sa ilalim ng programa ni Pampanga Gov. Dennis “Delta” Pineda, nakatanggap ng tig-P2,500 ang may 462 benepisaryong mag-aaral na kumuha ng Humanities and Social Sciences Strand (HUMMS) sa Pampanga High School.
 
Kabilang sila sa 18,343 hanay high school students na nakatakdang mabibiyaan ng parehong halaga ng ayuda mula sa pamahalaang panlalawigan ng Pampanga.
 
Pinangunahan ng Provincial Library at Treasurer’s Office kasama si board member Rosve Henson ang nasabing aktibidad na ginanap noong Huwebes, 10 Hunyo, sa Bren Z Guiao Sports Complex, lungsod ng San Fernando. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top