Monday , September 20 2021

Lovely Rivero, hataw sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HUMAHATAW ang showbiz career ng magandang aktres na si Lovely Rivero. Bukod sa paglabas sa TV bilang aktres at TV host, si Lovely ay may movie projects din.

Ano ang kanyang reaksiyon na ngayon ay kaliwa’t kanan ang projects niya?

Esplika ni Lovely, “Yes, talagang medyo mas active nga po ulit ako sa showbusiness and masaya naman ako sa nangyayaring ito dahil iba rin talaga kapag mahal mo at passion mo ang ginagawa mo, galing sa puso talaga at masaya ka na ginagawa ito. Kaya laking pasalamat ko sa Diyos at sa mga production and network companies na kumukuha at nagtitiwala sa akin bilang aktres at host. Thank you for the gift of work talaga. Siyempre nagpapasalamat din ako sa mga sumusuporta at nanonood.”

Napapanood ngayon si Lovely sa First Yaya ng GMA-7 na tinatampukan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. Bahagi rin siya ng May Fantastic Pag-Ibig-Ganda Problems sa GTV na napapanood every Saturday at ang karugtong na episode ay mapapanood sa June 19. Si Lovely ay nakatakda rin mag-taping para sa guesting sa MMK at may gagawing indie movie para sa isang American film production.

Lahad niya, “Nag-guest rin ako sa movie ni Mayor Isko Moreno, ang Yorme. Nakatutuwa dahil lahat halos ng members dati ng That’s Entertainment ay may cameo role sa movie na ito. I play naman the teacher of the teenage Isko Moreno.”

Kuwento niya, “Then, may uumpisahan po akong online show sa K5 Digital Media titled It’s a Lovely Day na tatalakay sa iba’t ibang mga paksa at timely issues. Patuloy pa rin po ang aking Lifestyle & Culinary Cable show entitled A Taste of Love na ipinalalabas from Monday to Friday at 4pm sa Pinoy Xtreme cable TV, produced by JEV Productions. Nasa third season na po kami now and excited na ako for our fourth season dahil makakasama ko po ang celebrity doctor na nakilala at hinahangaan ngayong pandemic, ang doctor po na nag-umpisang mag-push for Ivermectin as a treatment and prevention for CoVid-19, ang tinaguriang isa sa modern day heroes natin, the good and caring doctor, Dr. Allan Landrito.”

Saan siya mas nag-eenjoy, bilang TV host or as an actress?

“Mahal na mahal ko ang propesyon ko bilang artista dahil ito talaga ang aking passion, kaya ito rin ang aking priority – ang pagiging aktres. Pero ibang saya at fulfillment naman ang naibibigay ng pagiging host.

“Sa hosting, I believe that you have to be a good listener, first and foremost, kasi that’s the only way that you can interact well with your interviewee, kapag nakikinig ka sa istorya at sa sinasabi niya and if you are genuinely interested in people. At dahil gustong-gusto ko ang natututo ako sa experiences at sa wisdom ng ibang tao at sa mga nangyayari sa paligid at sa mga sitwasyon, hosting gives me that opportunity to be aware, to learn, to connect and to interact,” saad ni Ms. Lovely na idinagdag pang hangad niya lagi ang makagawa ng mga makabuluhang proyekto.

About Nonie Nicasio

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *