Tuesday , June 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Neil kay Rabiya — She doesn’t need to apologize
Neil kay Rabiya — She doesn’t need to apologize

Neil kay Rabiya — She doesn’t need to apologize

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

PAGKATAPOS ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na amining komplikado na ang relasyon nila ng non-showbiz boyfriend na si Neil Salvacion sa panayam nito kay Boy Abunda, nag-post na rin ang binata sa kanyang IG stories kamakailan at inaming totally wala na sila ng dyowang beauty queen.

Pero para kay Rabiya, mag-uusap pa sila ni Neil pag-uwi niya ng Pilipinas, pero para sa binata, tinuldukan na niya ang pitong taong relasyon nila.

Klinaro ni Neil ang pangalan ng ex-girlfriend tungkol sa mga tsismis, ”Spreading rumors without knowing the real score is just too much.”

”We don’t deserve all the negativities manifested towards us, esp towards Rab. She worked hard to achieve whatever she has right now, and she deserves it all.

“It NEVER okay to degrade a person just to prove a point, I mean, if you have nothing good to say, it’s better to keep it within yourself.”

At sinabi nga ng binata na wala na sila ni Rabiya at kailangan ng mag-move on.

“The real thing is, we’re not together anymore, but we’re both okay, moving forward, we talked and we’re both happy with our own lives.  We both believe that God placed us in this kind of situation for a reason, and that is for the better.

“It doesn’t cost a cent to be kind guys, let’s spread kindness and be respectful towards each other, may it be through thoughts, words and deeds.

“Palangga-anay lang ta n’yo bala!  Padayon sa kabuhi! (emoji heart).”

Ayon sa netizen, kailangang humingi ng sorry si Rabiya sa mga Pinoy na nasaktan na hindi nito naiuwi ang korona at paano niya ipaliliwanag ang sinabing, ”I can make a man stay.”

Sagot kaagad ni Neil, ”happiness is a choice, we’re both happy with our decision. Stop doing this kind of narrative.  She doesn’t need to apologize to anyone.”

Sa kasalukuyan, ini-enjoy ni Rabiya ang mga araw na nasa Amerika dahil kung saan-saan siya nakararating. Sabi nga niya, ”As you travel, you get to experience what life truly means.”

At ang latest post niyang larawang naka over-all red siya with blazer, ”Touchdown San Jose, California.”

At dahil pulang-pula ang dalaga kaya biniro siya ng kapwa niya beauty queen na si MJ Lastimosa ng, ‘happy birthday.’ Na ang talagang kaarawan ni Rabiya ay sa Nobyembre 13 pa.

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top