Saturday , June 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Neil last priority ni Rabiya
Neil last priority ni Rabiya

Neil last priority ni Rabiya


KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

HINDI ba okey lang kung maghiwalay muna ang mag-sweetheart na sina Rabiya Mateo at Neil Salvacion para mas lumawak pa ang mga karanasan nila sa buhay?

Maghiwalay muna sila nang walang hinanakit at muhi sa isa’t isa para ‘pag na-realize na nilang sila talaga ang pinakabagay sa isa’t isa, madali lang silang makapagbabalikan sa isa’t isa. Huwag nilang patulan ang bashers na parang wala na talagang mapaglibangan hangga’t ‘di sila naba-bad karma. Maghiwalay man o hindi sina Rabiya at Neil, babastusin at babastusin sila ng maraming netizens na wala na talagang modo.

Posibleng lumiit nang lumiit ang mundo ni Neil habang palawak nang palawak naman ang kay Rabiya. Kahit na biglang matapos ang reign ni Rabiya this year bilang kauna-unahang Miss Universe Philippines dahil Oktubre pa lang ay magmi-Miss Universe pageant na para sa 2021 titlist, magpapatuloy ang pagdagsa ng opportunities kay Rabiya. Posible talagang last priority na ni Rabiya si Neil sa iskedyul n’ya.

Luckily, ang guwapo naman talaga ni Neil at pagkakaguluhan saan man siya magpakita. ‘Di siya nakatakdang maging kaawa-awa!

 

 

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top