Friday , June 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sunshine naudlot ang pagiging beauty queen
Sunshine naudlot ang pagiging beauty queen

Sunshine naudlot ang pagiging beauty queen

NATATANDAAN naming panahon pa ng That’s Entertainment, kinukumbinsi na nila si Sunshine Cruz na sumali sa beauty contest. Minsan nga pati si Kuya Germs, napakiusapan nilang kumbinsihin si Sunshine na sumali nga. Pero noong panahong iyon, maraming pelikula si Sunshine sa Octoarts at sa iba pang kompanya at wala siyang panahon na makapagsanay para sa beauty pageant.

Si Kuya Germs hindi rin naman kumibo dahil kung si Sunshine ay papasok nga sa mga beauty contest, baka mawalan na siya ng panahon sa That’s Entertainment.

Tapos naman noon, nakapag-asawa agad si Sunshine kaya talagang goodbye na sa chances na maging isang beauty queen. Pero marami ang nanghihinayang dahil malakas talaga ang potential ni Sunshine na maging isang international beauty title holder, kaya lang naudlot nga eh.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top