Saturday , June 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Richard namulitika nga ba sa isinagawang community pantry?
Richard namulitika nga ba sa isinagawang community pantry?

Richard namulitika nga ba sa isinagawang community pantry?

HINDI nakalusot sa obserbasyon ng mga netizen ang intensiyong makatulong ni Richard Yap. Ito’y dahil sa nakuhanang video sa isinagawang community pantry sa Cogon Ramos sa Cebu City noong Sabado.

Ayon sa tweet ng isang Andrew Summer, namulitika umano si Yap dahil tatakbo itong congressman sa north district.

Nagpakuha rin ng litrato ang aktor kasama ang mga benepisyaryo ng pantry na nagtanggal pa ito ng face mask at hindi naobserbahan ang social distancing.

Noong 2019 ay tumakbo sa pagka-kongresista para sa unang distrito ng Cebu City si Yap sa ilalim ng PDP-Laban ngunit tinambakan siya ng nakatunggaling si Raul del Mar.

Para sa akin, hindi ako naniniwalang namolitika si Richard. May nagpapa-picture sa kanya, pinagbigyan niya lang naman. Binigyang kulay lang ito ng netizen.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top