Tuesday , June 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ricky Lo, superstar ng mga movie reporter
Ricky Lo, superstar ng mga movie reporter

Ricky Lo, superstar ng mga movie reporter

KUNG si Nora Aunor ang kinikilalang superstar ng mga artista sa sa Pilipinas, ang yumaong si Ricky Lo naman superstar sa kalipunan ng mga movie reporters.

Kinikilala rin si Ricky sa style na mga blind item pero mga tatoong balita naman ang tinutukoy niya hindi imbento para akitin lang ang mga mambabasa ng kanilang diario.

Likas na mabait si Ricky noon pa mang una namin siyang nakilala. Minsan sa isang movie presscon napansin namin si Ricky na may dalawang reporter na kausap na kapwa gaka (gatecrashers). Pinakain iyon ni Ricky at binigyan ng pamasu na sarili niyang gastos.

Ang tinutukoy naming  naggaka noon ay kapwa big time na rin ngayon.

Humanga kami kay Ricky na noon pa man ay bukas lagi sa pagtulong.

Masuwerte na ring masasabi si Ricky dahil masaya siya sa kanyang pagpapaalam sa mundo na walang pinerwisyong ibang tao. Hindi siya nanghinge ng pangastos sa mga artista. Imbes natulungan pa niya ang mga ito para sumikat.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

 

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top