Thursday , May 9 2024

Digong tinurukan ng bakunang made in China

TINURUKAN kagabi ng CoVid-19 vaccine na gawa ng Chinese state firm Sinopharm si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.
 
Inilathala ni Sen. Christopher “Bong” Go sa kanyang Facebook page ang video ng pagpapabakuna ni Pangulong Duterte sa kanyang kaliwang braso kay Health Secretary Francisco Duque III dakong 6:59 kagabi.
 
“Pumayag dok n’ya,” sabi ni Go sa kanyang text message sa mga reporter.
 
Nauna rito’y binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng compassionate use ang 10,000 doses ng Sinopharm vaccine para sa mga miyembro ng PSG ilang linggo makaraan ibulgar ni Pangulong Duterte na nabakunahan na ang mga sundalo noon pang Setyembre 2020.
 
Ang hakbang ng FDA, ay matapos ibisto ni Ramon Tulfo sa kanyang kolum sa Manila Times na ipinahiram niya ang kanyang cellhone kay Pangulong Duterte para kausapin ang Sinopharm representative sa bansa.
 
Isiniwalat niya na hiniling ng Pangulo na bigyan siya ng samples ng CoVid-19 vaccine para sa sarili at sa kanyang pamilya.
 
Inamin ni Tulfo, siya at ilang hindi tinukoy na mga opisyal ng gobyerno ay naturukan ng Sinopharm CoVid-19 vaccine noong OKtubre 2020.
 
Ikinuwento niya umano sa Pangulo na wala siyang naramdamang masamang side effect sa bakuna. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

050824 Hataw Frontpage

Sa dagdag na presyo sa singil ng koryente  
SOLON PINIGILAN AKSIYON NG ERC SA POWER DEAL

HINIMOK ng vice chairman ng House committee on energy ang Energy Regulatory Commission (ERC) na …

Sa kontrobersiyal na leaked PDEA Report 
MARICEL UMAMING ‘COCAINE CONDO’ DATING SA KANYA

HATAW News Team INAMIN ng aktres na si Maricel Soriano kahapon na pag-aari niya ang …

Sa Ayungin shoal
‘SECRET AGREEMENT’ LABAG SA KONSTI — MANILA SOLON

LABAG sa Saligang Batas ang sinabing kasunduan ng China at ng Filipinas tungkol sa pamamahala …

customs BOC

Kung walang sampol, anti-smuggling act na batas walang saysay — AGAP Solon

NANINIWALA si AGAP Partylist Rep. Nick Briones na walang saysay ang utos ni Pangulong Ferdinand …

UAE royalties Artwork Lope De Vega basketball court Sta Cruz Maynila

Artwork ng mukha ng UAE royalties, atraksiyon sa Lope De Vega basketball court, Sta. Cruz, Maynila

ISANG kakaibang basketball court artwork na nagpapakita ng mga imahen ng mga lider ng bansang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *