Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / The Lookout nakakuha ng pinakamataas na ratings
The Lookout nakakuha ng pinakamataas na ratings

The Lookout nakakuha ng pinakamataas na ratings

MULA sa pitong kuwentong naipalabas mula sa dalawang seasons ng groundbreaking Kapuso drama series na I Can See You, naitala ng latest episode nitong The Lookout ang pinakamataas na ratings ng serye.

Dahil sa intense na mga kaganapan sa serye, nakakuha ang The Lookout ng combined ratings na 17.6 percent (NUTAM PPL PRIME Survey) nitong Huwebes (April 22).  Tampok sa crime thriller mini-series sina  Barbie Forteza,  Paul Salas, at si Christopher de Leon.

Bumuhos din ang papuri mula sa viewers sa out-of-the-box na tema nito at mahusay na portrayal ng mga bida. “Ang daming life lessons sa mini-series na ito. It is not your ordinary crime thriller. Kudos to the team! #TheLookoutReunited”

Nagpasalamat naman si Barbie sa mga sumubaybay ng kanilang episode. Marami siyang natutuhan sa naging pagganap niya sa karakter ni Emma Castro.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top