Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jake inuna ang pagiging ama kay Ellie kaysa makipag-date
Jake inuna ang pagiging ama kay Ellie kaysa makipag-date

Jake inuna ang pagiging ama kay Ellie kaysa makipag-date

INAMIN kamakailan ni Jake Ejercito na limang taon na siyang walang dyowa dahil nag-concentrate siya sa pagiging ama sa kanyang anak na si Ellie.

Sa virtual mediacon ng Dreamscape Entertainment para sa Marry Me, Marry You ng ABS-CBN, sinabi ni Jake na, ”I’ve been single for the past five years I think. Because I really chose to focus sa parenting these last few years. ‘Yun ang mahirap ngayon. Walang chance to go out and meet new people.”

Dahil dito, nawalan siya ng panahon para maisip pa na magkaroon ng karelasyon o maisip na mag-asawa.

“As of now, (marriage) doesn’t cross my mind yet. Right now kasi I have Ellie. I ‘m happy and content with the situation now.

“But if you ask me in the future if it’s in the cards for me, of course why not? But right now it’s not in the horizon for me.”

Bukod sa pagiging tatay at career niya sa showbiz, priority rin niya  ang co-parenting duties sa ina ng kanyang anak, si  Andi  Eigenmann na puring-puri niya sa galing ng ginawang pag-aalaga sa kanilang anak.

Kuwento ni Jake, okey kay Elli ang pagko-concentrate niya sa showbiz.

“Ellie right now is nine turning 10 in November. She’s no longer a baby, she’s not yet a teenager. She’s slowly starting to have her own person, have her mind.

“Alam na niya ‘yung gusto niya. Hindi na siya ‘yung sunod-sunuran na lang. So we’re in a really exciting phase right now ‘yung relationship namin.

“I became a dad at the age of 21 so my life talagang changed 180 degrees and it’s been a fulfilling journey so far.

“Si Ellie she’s a tween now. She’s not a baby anymore so I’m just making the most out of every day when she’s with me. Sinusulit ko lang.

“I don’t think I’ll have problems explaining to her. Right now she’s nine na and sanay na siya with her mom, also si Andi who’s in the same industry.”

Sinabi pa ni Jake na pinagtawanan siya ng kanyang anak nang makitang sumayaw at kumanta sa isang variety show.

“Yun din nakakatawa kasi when I did that variety show last year and nakita ako ni Ellie sumasayaw and kumakanta, pinagtatawanan niya lang ako,” ani Jake.

At kung si Ellie ang gustong mag-showbiz, ito lang ang nasabi ng actor. ”Si Ellie kasi she’s been exposed to the industry because of Andi and they’ve had a lot of magazine shoots na and stuff like that.

“I’d say she’s really comfortable being in front of the camera. If ever naman she decides to go into showbiz in the future, I won’t say no. Kung anong gusto niyang gawin, I’ll be rooting for her 110%.”

Kasama si Jake sa Marry Me Marry You with Paulo Avelino, Janine Gutierrez, at Sunshine Dizon

Ikinokonsidera ni Jake na ito ang pinakamalaking role na naibigay sa kanya.” Kasi before mga one episode lang, one off shows. Other than that, I did a film which was part of MMFF last year (Coming Home).

“To be honest kasi I was recently part of another variety show and parang getting into that show, I didn’t know why I was there, kung anong gagawin ko roon.

“But then you know, sabi nga nila pakapalan ng mukha, eh. You just enjoy the ride and with the people around you who are supportive. Enjoy naman.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top