Monday , May 17 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Netizens napa-wow! sa sexy body ni Sanya
Netizens napa-wow! sa sexy body ni Sanya

Netizens napa-wow! sa sexy body ni Sanya

PATOK ngayon sa viewers at netizens ang recent episode ng primetime series na First Yaya na ibinida ni Sanya Lopez na gumaganap bilang Yaya Melody ang kanyang jaw-dropping beach body.

Pumalo na sa 2.1 million views at number 1 trending ngayon sa YouTube Philippines ang naturang episode matapos ang ilang araw.

Umani rin ng papuri mula sa netizens ang show dahil sa nakaaaliw na kuwento at nakakahangang cinematography nito. “I really love this show. Sobrang ganda ng story, light lang and sobrang good vibes. Love the cinematography too. Sobrang galing ng cast! Congrats to the whole team of First Yaya!”

Tinawag din si Sanya na isa sa ‘next big stars’ ng Kapuso Network ng ilang netizens. “Sanya’s beauty and charm is different! Grabe lakas talaga ng dating at karisma niya! And she’s acting naturally. I can say that she is one of the next big stars of GMA.”

‘Wag nang magpahuli at tutukan ang nakaka-good vibes na kuwento ng  First Yaya, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

 

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top