Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joaquin gustong alagaan si Cassy — Gusto ko ako ang gagawa ng pagkain niya
Joaquin gustong alagaan si Cassy — Gusto ko ako ang gagawa ng pagkain niya

Joaquin gustong alagaan si Cassy — Gusto ko ako ang gagawa ng pagkain niya

UNANG teleserye ni Joaquin Domagoso ang First Yaya, kaya kinumusta naming ang working experience niya sa GMA teleserye.

“Well challenging. Kasi ‘yung sa role ko medyo kailangang mag-Tagalog ng straight. Straight Tagalog talaga!  

“Eh Inglisero ako. 

“And aside from that happy, happy talaga. Happy sa mga kasama ko, happy na sila ang naging kasama ko  sa show.

“And I’m very thankful sa mga director ko, they’re really accommodating to me ‘coz bago akong actor. First time ko kasing mag-show so they’re very accommodating nga po.

“And happy ako na kahit na nagkakamali ako, pinabibigyan pa rin ako.”

Ang mga direktor ng First Yaya ay sina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

Sa First Yaya ay gumaganap si JD bilang si Jonas na love interest ni Niña Acosta na ginagampanan naman ni Cassy Legaspi.

Kumusta ang working relationship nina Joaquin at Cassy?

“Oh, it’s amazing,”  bulalas ni Joaquin. ”It’s amazing. I love being with Cassy and I know she loves being with me, too. And glad ako na napili kami together.

“Kasi, like ako, feeling ko rin bagay kami.”

Masaya si Joaquin na kahit ang publiko, sa pagkakaalam niya, ay gusto ang tandem nila ni Cassy.

Pagsubok sa tambalan nila ni Cassy ang pagsasama nila sa unang pagkakataon sa First Yaya.

Sa tingin ba ni Joaquin, pagkatapos ng First Yaya ay maaari na silang  pakawalan at magbida sa sarili nilang show o teleserye?

“Hopefully po. I really want to stick with Cassy pa.”

At dahil First Yaya ang titulo ng kanilang programa, kung bibigyan ng pagkakataon na maging yaya, sino ang pipiliin ni Joaquin na maging  yayo niya?

“Siguro kay Cassy, para lagi ko siyang kasama. 

“Para ako ang maggagawa ng pagkain niya, gigising sa kanya. Para lagi akong nakabantay sa kanya,” at tumawa si Joaquin.

Ang First Yaya ay si Sanya Lopez na yaya o nanny ng mga anak ng Presidente ng bansa na ginagampanan naman ni Gabby Concepcion .

Bukod kina Sanya, Gabby, Cassy, at JD, kasama rin dito sina Pancho Magno, Pilar Pilapil, Gardo Versoza, Glenda Garcia, at Sandy Andolong.

Narito rin sina Boboy Garovillo, Cai Cortez, Kakai Bautista, Thia Tomalla, Anjo Damiles, Clarence Delgado, Thou Reyes, at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio, at Mikoy Morales. 

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top