Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Julie Anne handa na sa mature roles
Julie Anne handa na sa mature roles

Julie Anne handa na sa mature roles

PANIBAGONG karakter na naman ang bibigyang-buhay ni Julie Anne San Jose sa kanyang Kapuso series na Heartful Café na napapanood na simula kahapon.

Gagampanan ni Julie ang hopeless romantic at online romance novelist na si Heart Fulgencio. Pagmamay-ari ni Heart ang coffee shop na ‘The Heartful Cafe’ na makikilala niya ang co-investor na si Ace Nobleza (David Licauco).

Dahil sa ilang scenes nila sa series ni David na naka-topless ang aktor, handa na nga bang sumabak si Julie sa more mature roles sa mga susunod na project?

Anang aktres, ”For me kasi, iba ang definition ng mature roles, eh. ‘Yung mature roles for me, ‘yung mas may lalim na characters and open naman ako to do it. But, I don’t know kung we’re on the same page when it comes to daring and pa-sexy roles.”

Dagdag pa ni Julie,  ”Every role ay kailangan talagang paghandaan. It’s always part of the process. Passionate lang talaga ako about everything I do and I make sure I commit to it 100%. I love singing and I also love acting. It makes me feel like a different person whenever I’m given different roles.”

Panoorin ang nakakikilig na love story nina Heart at Ace sa Heartful Café pagkatapos ng First Yaya sa GMA-7 at GMA Heart of Asia. Mapapanood din ito abroad sa GMA Pinoy TV. 

(ROMMEL GONZALES)

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top