Friday , April 26 2024

Kim nalungkot sa pagkamatay ni Victor Wood

SOBRANG nalungkot at nanghinayang si Kim Rodriguez sa biglang pagyao ni Victor Wood.

Ani Kim, ”Nakalulungkot at sobrang nanghihinayang ako kasi ni hindi ko man lang siya nakita o nakilala nang nagsu-shooting kami ng ‘Jukebox King The Life Story of  Victor Wood’.

“Ni minsan kasi ‘di nakapasyal si sir Victor sa shooting na nandoon ako and if may interview siya about sa movie, roon siya ini-interview sa bahay niya, kaya wala talagang chance na ma-meet ko siya in person.”

Kuwento pa ni Kim, kinalakihan niya ang mga awitin ni Victor Wood dahil paborito ito ng kanyang lola na tuwing  umaga nagpapatugtog ng mga awitin nito.

“Naalala ko noong bata ako laging pinatutugtog ng lola ko ‘yung mga song ni sir Victor, kaya kinalakihan ko na ‘yung mga awitin niya.

“Kaya noong nalaman ko na makakasama ako sa pelikula tungkol sa buhay niya na-excite ako at sinabi ko sa sarili ko na sa wakas makikilala ko na siya at maikukuwento ko na paborito siya ng lola ko at kinalakihan ko ‘yung musika niya.

“Kaya nga sobra talaga akong nalungkot kasi ‘di ko siya na-meet at hindi man lamang niya napanood ‘yung movie tungkol sa buhay niya.”

Kahit wala na si Victor Wood, mana­natiling nakatatak sa isipan ni Kim ang maga­gan­dang musika nito at hindi mag­sasawang paulit-ulit na pakikinggan katulad ng kanyang lola at ng iba pang mga Filipino na minahal ang kanyang musika.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *