Saturday , April 27 2024

P3.4-M bato nadakma sa drug bust, 2 supplier ng droga timbog sa PDEA

TINATAYANG nasa P3,400,000 ang nakompiskang halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang pinaniniwalaang mga big time tulak at supplier ng ilegal na droga sa inilatag na entrapment operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA3) Miyerkoles ng gabi, 21 Abril, sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Ninoy Aquino, (Marisol), lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni Director Christian Frivaldo ang mga naarestong mga suspek na sina Yasser Ibrahim, 25 anyos, binata, residente sa lungsod ng Angeles, at John Lagman, 45 anyos, may asawa, residente sa lungsod ng Mabalacat.

Sinabi ni Frivaldo, nasa radar ng PDEA3 simula noong Pebrero ang mga ilegal na modus ng mga suspek na pagsu-supply ng shabu sa naturang lungsod.

Nakompiska ng mga awtoridad mula sa pag-iingat ng mga suspek ang malaking pakete na naglalaman ng 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000, at marked money na ginamit sa operasyon.

“Our Agents secured a drug deal with the suspects for the sale of 500 grams and agreed to meet along Marisol road, until they were collared by PDEA operatives,” pahayag ni Director Frivaldo.

Kasalukuyang iniha­han­da ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek na isailalim sa custodial investigation ng mga raiding team. (R. SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *