Saturday , May 8 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joshua sinuwerte nang humiwalay kay Julia
Joshua sinuwerte nang humiwalay kay Julia

Joshua sinuwerte nang humiwalay kay Julia

MASASABI niyang malaking suwerte at ayos ang career ni Joshua Garcia ngayong wala na siyang ka-love team. Kung may ka-love team ba siya magagawa niya iyong serye nila ngayon ni Nancy McDonie?

Kung natatandaan ninyo pinaplano pa lang iyan para kay James Reid, nag-react na ang JaDine na sinasabing ibo-boycott nila iyon. Tapos bina-bash na nila si James. Hindi nila inisip na mahigit isang taon nang walang project na ginagawa si James at halos wala na ang acting career niyn. Noong tanggihan na niya, ibinigay na nga kay Joshua, at ngayon hindi na alam kung may project pa bang darating kay James.

Meanwhile si Joshua ang suwerte, dahil bukod sa may serye siyang ipalalabas dito, iyang seryeng gagawin nilang dalawa ni Nancy ay ipapalabas din daw sa Korea. Kung iisipin ang magiging exposure niya sa Korean drama audience, aba eh napakalaking bagay niyon para sa kanyang career.

Talagang masasabing sinuwerte nga si Joshua nang mawalan siya ng ka love team. Kung hanggang ngayon nakatali siya sa dati niyang ka-love team, ewan kung uusad pa nga ba ang kanyang career.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top