Friday , September 19 2025

4 tulak, 3 tomador timbog (Lumabag sa curfew at health protocols)

ARESTADO ang apat na hinihinalang tulak at tatlong iba pang naaktohang umiinom ng alak sa oras ng curfew sa sunod-sunod na police operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 19 Abril.

Ayon kay kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang apat na drug suspects sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Pulilan Municipal Police Station (MPS).

Kinilala ang mga suspek na sina Achmad Samporna, alyas Dodong; Alinor Samporna, alyas Alupong; Rebecca Samporna, alyas Bec; at Rosemarie Abad, alyas Rose, pawang nasa talaan ng Drug Watchlist ng Pulilan MPS at mga residente ng Brgy. Dampol 1st, bayan ng Pulilan, sa naturang lalawigan.

Nakompiska ang 12 selyadong plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money mula sa mga suspek na nakakulong ngayon sa Pulilan MPS Jail at nakatakdang sampahan ng kaso sa hukuman.

Samantala, nadakip din sina Mike Luis Villapa, Christian Laxamana, at Joemar Reyes, matapos maaktohang nag-iinuman ng alak, lumabag sa curfew hour, hindi pagsusuot ng facemask, at pagtataglay ng ilegal na droga sa Brgy. Poblacion, bayan ng Baliwag, dakong 4:30 am nitong Linggo, 18 Abril.

Nahuli ang mga suspek habang nag­papatrolya ang mga awtoridad ng barangay at nakompiska mula sa kanila ang tatlong selyadong plastic sachets ng hinihinalang shabu.

Dinala ang mga suspek at mga nakom­piskang ebidensiya sa Bulacan Crime Laboratory para sa eksaminasyon habang inihahanda ang mga reklamong kriminal na ihahain sa korte.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lav Diaz Vice Ganda Sara Duterte

Direk Lav nanawagan kay Vice Ganda: tumakbong VP,  labanan si Sarah

MA at PAni Rommel Placente NANAWAGAN ang direktor na si Lav Diaz kay Vice Ganda para tumakbo itong presidente …

Martin Romualdez

Romualdez nagbitiw  na sa puwesto

ni Gerry Baldo NAGBITIW sa puwesto si House Speaker Martin Romualdez kahapon sa gitna ng …

filipino fishermen west philippine sea WPS

Chairman Goitia: “Walang Karapatang Magbantay sa Dagat ang mga Sumira Nito”

MULING nagbabala si Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus, tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating …

ICI Independent Commission for Infrastructure

Senado at Kongreso, pinabibitiw sa imbestigasyon
7 SA 10 PINOY, MAS TIWALA SA INDEPENDENT COMMISSION

PITO sa bawat 10 Filipino ang gustong magpaubaya ang Senado at kongreso sa independent commission …

ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Pilipinas at Papua New Guinea: Mas Pinalalakas ang Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng ICTSI

HIGIT na luminaw ang kahalagahan ng ugnayan nito sa Pilipinas—isang relasyon na matagal nang nakaugat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *