Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Barbie walang takot sa pagiging raketera
Barbie walang takot sa pagiging raketera

Barbie walang takot sa pagiging raketera

MAKAPIGIL-HININGANG mga eksena ang dapat abangan sa ikatlong offering ng GMA drama series na I Can See You: The Lookout na mapapanood simula ngayong Lunes (April 19).

Tampok sa crime-thriller episode sina Barbie FortezaPaul Salas, at  Christopher de Leon.

Iikot ang kuwento kay Emma (Barbie), isang raketera girl na mapipilitang maging lookout para sa kanyang pinsan na may planong pagnakawan ang isang bahay sa village malapit sa kanilang tirahan. Sa hindi inaasahang pangyayari, malalagay sila sa panganib nang madatnan ang wala nang buhay na kasambahay sa naturang bahay.

Ani Barbie, hanga siya sa kanyang karakter sa serye, ”I love how strong and unapologetic Emma is. She does not bow to anyone. She will do everything for her younger sister. She lives in the reality of life and so she learned to play along and learn along the way.”

Mapapanood na ang I Can See You: The Lookout simula sa Lunes, pagkatapos ng First Yaya sa GMA Telebabad.

(ROMMEL GONZALES)

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top