Friday , April 26 2024
Covid-19 dead

Mass graves ng CoVid-19 patients sa Hunyo posible (Kapag wala pa rin nagtimon sa pandemya)

NAGBABALA ang isang dating kalihim ng Department of Health (DOH) na magkakaroon ng mass graves ng mga namatay sa CoVId-19 sa Hunyo o Hulyo kapag nagpatuloy na ‘walang timon’ sa pagtugon ng pandemya sa bansa.

“I hope it does not come to that, but you know I already have a vision of mass graves in the country. Because we are not able to take care of all of our patients,” ani dating Health Secretary Esperanza Cabral sa panayam sa Frontline News ng Radyo Singko.

Posible aniyang magkaroon muli ng paglobo ng kaso ng CoVid-19 sa Hunyo o Hulyo at baka hindi na kayanin ito ng health care system ng bansa kung magpapatuloy ang ‘kawalan ng timon’ para matugunan ang pandemya.

“Look at the case fatality rate. We have been so proud that the case fatality rate is lower than the global rate but now it’s coming up,” giit ni Cabral.

Batay sa ulat ng OCTA Research, sa kasalukuyan ay naging triple o 5.36% ang case fatality rate sa Metro Manila mula noong Marso na 1.82% sa Metro Manila.

“While the more recent CFR is based on a much smaller sample size of 284 deaths, and the CFR may still decrease as more data comes in, the possibility of an increase in CFR should not be ignored,” anang grupo.

Ayon sa DOH, sa Metro Manila naitala ang pinakamaraming namatay sa CoVid-19 sa nakalipas na dala­wang linggo kompara sa ibang rehiyon sa Filipinas.

Hanggang noong 13 Abril ay naitala ang namatay sa Metro Manila na 311, sa Central Luzon ay 162, at sa Region 4-A ay 142.

Pinakamaraming pumanaw sa Maynila ay 73, pumangalawa ang Quezon City na 66 at ang Pasig ay 41.

Tinukoy na sanhi nito ang naghihingalong health care system gayondin sa mga mas mapanganib na CoVid-19 variant.

Anang OCTA Research, mayorya sa mga nasawi ay senior citizens kaya’t ang naturang sector ang dapat gawing prayori­dad sa atensiyong medikal at mabakuna­han ng CoVid-19 vaccine.

Umabot sa 15,286 ang mga nasawi sa CoVid-19 sa bansa hanggang kahapon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *