Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Motorsiklo nag-overtake, dump truck nakasalubong empleyado ng BFAR patay
Motorsiklo nag-overtake, dump truck nakasalubong empleyado ng BFAR patay

Motorsiklo nag-overtake, dump truck nakasalubong empleyado ng BFAR patay

BINAWIAN ng buhay ang isang tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa lungsod ng Tacloban nang bumangga ang kanyang minamanehong motor­siklo sa isang mini-dump truck nitong Lunes ng umaga, 12 Abril, sa National Highway sa Brgy. Abango, sa bayan ng Barugo, lalawigan ng Leyte.

Kinilala ni P/Capt. Luis Hatton, hepe ng Barugo Police Station, ang biktimang si Rogelio Mondido, 50 anyos.

Ayon kay P/SSgt. Sergio Llaneta III, imbestigador ng kaso, binabagtas ng dalawang sasakyan ang parehong linya sa bayan ng Carigara patungong Barugo nang biglang tangkaing mag-overtake ni Mondido sa mini dump truck.

Kasabay ng pag-overtake ng motorsiklo, lumipat ang truck sa kabilang linya kaya nakabanggaan ng biktima.

Dinala ang biktima sa Carigara District Hospital ngunit idineklarang wala nang buhay.

Inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in homicide na isasampa laban sa driver ng truck na pansamantalang nakapiit sa Barugo Police Station.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top