Thursday , May 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Diego at AJ ‘nag-all the way’ sa pelikula ni Laranas
Diego at AJ ‘nag-all the way’ sa pelikula ni Laranas

Diego at AJ ‘nag-all the way’ sa pelikula ni Laranas

PINAKAPABORITONG nagawang pelikula ni Direk Yam Laranas  ang Death Of A Girlfriend na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga at AJ Raval.

Ayon kay Laranas, “Maganda kasi ‘yung process na ginawa namin. Iba ito. Sinabi ko nga sa management and even to my friends, na so far, this is my favorite film na nagawa ko.”

Isang sex-drama-mystery ang pelikula kaya kinailangan ni Laranas na isailalim sa intimacy at sensuality workshop sina Diego at AJ bilang paghahanda sa kanilang love scenes.

“I have to come in honest kina Diego at AJ. I have to protect AJ, obviously, because she’s a newcomer. And Diego also, I have to protect him whether lalaki siya or baguhan siya o hindi.

“That’s why pina-train ko sila sa what we call ‘yung intimacy coordinator. Ginagawa sa Hollywood ‘yan, eh. Ginagawa ‘yan sa Los Angeles, which I hired here na isang friend ko who’s an acting director of PETA na pina-train ko sila like doing an intimacy workshop.

“Sensuality workshop, at the same time, nandoon ‘yung part of the scene  ng kaunti, how to take care of each other, parang ganoon.

“Sabi ko sa kanila, ‘I trust my actors na kayo ang nandiyan. And then Diego, usap tayo, this is what you do and take care of AJ.’ And AJ, ‘Si Diego, trust him.’

“And they went literally without malice, without being bastos about it, they went all the way because that’s what the story needed. And ako, as a director, wow!

“Everyone who saw it, I’m happy that they noticed how the actors did their job so well,” mahabang paliwanag ng director.

Ang Death Of A Girlfriend ay hango sa tunay na pangyayari sa France. ”Hindi alam ng lahat, it’s actually would be a surprise to everyone to know that this is based on a true story that happened in France that I was so inspired with.

“’Yung beauty ni AJ and her innocence was also inspired by a Bergman film, which is The Virgin Spring (noong 1960),” sambit pa ni Laranas.

Ang Death of A Girlfriend ay isang Vivamax Original movie na isang mystery love story na hahanapin ang katotohanan base sa kuwento ng tatlong taong nasasangkot sa isang brutal na krimen.

Panoorin ang thrilling na love trip ng Death Of A Girlfriend sa April 30, sa worldwide premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV sa halagang P250 at sa Vivamax.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top