Friday , May 7 2021
Breaking News
You are here: Home / News / DFA nasa skeletal work force mode
DFA nasa skeletal work force  mode

DFA nasa skeletal work force mode

IPATUTUPAD ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang skeletal work force sa mga lugar na sakop ng modified enhanced community quarantine (MECQ) simula Lunes, 12 Abril hanggang 30 Abril 2021.

Partikular sa Consular Offices ng DFA sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Kabilang dito ang Consular Offices sa Aseana, Parañaque City, Antipolo, Das­mariñas, Malolos, at San Pablo sa Laguna.

Ang skeletal work teams ng DFA Consular Offices ay mag-o-operate mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali para mag-asikaso sa emergency o urgent cases lamang.

Ang mga apektadong aplikante ay tatanggapin mula Mayo hanggang Hulyo 2021 at sila ay padadalhan ng email para sa kanilang bagong appointment schedules. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top