Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Rapist na most wanted timbog sa Manhunt Charlie Operation
Rapist na most wanted timbog sa Manhunt Charlie Operation

Rapist na most wanted timbog sa Manhunt Charlie Operation

HINDI inakala ng isang wanted na rapist, sa kanyang anim na taong pagtatago ay matutunton at matitimbog ng sama-samang tropa ng PNP-IG RIU3, RID, RIMD, PRO3, PIU, Floridablanca MPS at Guagua Municipal Police Station nitong Martes, 6 Abril, sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng PRO3-PNP sa lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon, ayon sa ulat ni P/Col. Arnold Thomas Ibay ang suspek na si Gerald Chingcuaco, kabilang sa listahan ng mga top most wanted persons ng rehiyon, naninirahan sa Brgy. Mabical, sa bayan ng Floridablanca, ng nabanggit na lalawigan.

Nabatid na isinilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa suspek na inisyu ni Hon. Marideth Delos Santos-Malig, Presiding Judge ng Guagua RTC Branch, Pampanga, na may petsang 27 Mayo 2015, walang piyansang inerekomenda sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ayon sa inpormasyon ng Floridablanca MPS, itinuturong prime suspect sa kasong panggagahasa si Chingcuaco sa isang alyas Jade na kanyang kabarangay sa Mabical noong taon 2015.

“With all police units working together, there will be no safe haven for criminals as they will be arrested to ensure safer communities,” pahayag ni P/BGen. De Leon.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top