Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Luis kay Jessy: I promise to be your rock when you are weak
Luis kay Jessy: I promise to be your rock when you are weak

Luis kay Jessy: I promise to be your rock when you are weak

FEBRUARY 21, 2021 pa ikinasal via civil wedding sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na ginanap sa The Farm sa t San Benito, Lipa City, Batangas. Pero noong Linggo lamang ito inihayag ng dalawa sa pamamagitan ng kani-kanilang social media account.

Dalampu lamang ang bisita sa ginanap na kasalan kasama na sina Edu Manzano at Lipa City Rep. Vilma Santos at Sen. Ralph Recto.

Sinabi nina Luis at Jessy na biglaan ang naging desisyon nilang magpakasal na dapat sana ay sa June pa. Magkakaroon naman sila ng church wedding sa December.

Tatlong linggo lang ang ginawang preparasyon para sa intimate wedding nina Luis at Jessy ng kanilang wedding planner. Ayon sa report, si Luis ang pumili ng venue.

Sa in-upload ni Jessy na video sa kanyang YouTube channel, mapapanood ang ilang mahahalagang bahagi ng kasal kasama na ang pag-iyak ni Luis nang makita ang kanyang bride na si Jessy na maluha-luha rin.

Sa palitan ng vows, hindi nawala ang pagiging komikero ni Luis. Anito, ”They don’t know that I come running home when I fall down. They don’t know who picks me up when no one is around.”

Sabi naman ni Jessy, ”Parang kanta ‘to, ha, “ patungkol sa kanta ni Gary Valenciano na Warrior Is A Child.

Naging emosyonal si Luis nang sabihin ang pangakong, ”I want to promise that I will love you each day that comes even on those days na pareho tayong hindi kamahal-mahal. I will choose to love you.

“I promise to be your rock when you are weak, to put a smile on your face even on the darkest of days.”

Sagot ni Jessy, ”Today is the beginning of our journey, our lives together. I choose to spend today and all of my tomorrows with you. I love you, haw haw.”

Si Patricia Santos ang gumawa ng bridal dress ni Jessy habang kay Paulo Lazaro naman ang suit ni Luis. Nagsilbi namang stylist ng aktres si Patty Yap at sina Rex Atienza at Jay Sarmiento  ang kay Luis.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top