Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Fan Girl big winner sa 4th The EDDYS;  Paulo, Charlie waging best actor at best actress
Fan Girl big winner sa 4th The EDDYS;  Paulo, Charlie waging best actor at best actress

Fan Girl big winner sa 4th The EDDYS;  Paulo, Charlie waging best actor at best actress

HUMAKOT ng parangal ang pelikulang Fan sa katatapos na 4th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Naganap ang maningning na digital awards night ng ikaapat na edisyon ng The EDDYS noong Linggo ng gabi na napanood sa FDCP Channel (fdcpchannel.ph) at iba pang online platforms kabilang na ang official Facebook page ng SPEEd.

Pito sa 14 tropeo na ipinamigay sa gabi ng parangal ang naiuwi ng pelikulang Fan Girl kabilang na ang Best Actress para kay Charlie Dizon at Best Actor para kay Paulo Avelino.

Nagwagi rin si Antoinette Jadaone bilang Best Director para sa nasabing pelikula at nakuha rin niya ang tropeo para sa kategoryang Best Screenplay.

Ang Fan Girl din ang itinanghal na 4th EDDYS Best Picture. Sa technical awards naman, nakuha rin ng pelikula ang Best Sound at Best Editing.

Waging Best Supporting Actor si Edgar Allan Guzman para sa pelikulang Coming Home habang itinanghal namang Best Supporting Actress si Shaina Magdayao para sa Tagpuan.

Nakasama ng mga opisyal at miyembro ng SPEEd ang award-winning Kapamilya star na si Robi Domingo na nagsilbing host ng 4th The EDDYS.

Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ni Chairperson/CEO Liza Diño-Seguerra, ang 4th EDDYS ay idinirehe ng OPM icon at singer-songwriter na si Ice Seguerra.

Samantala, nakibahagi rin sa awards night sina Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos na siyang nag-present ng mga nominado para sa best actress habang ang AKTOR Chairman of the Board na si Dingdong Dantes ang naghayag ng best actor nominees.

Si Rep. Vi ang kauna-unahang EDDYS best actress para sa pelikulang  Everything About Her at si Dingdong naman ang 3rd EDDYS best actor para sa pelikulang Sid & Aya.

Narito ang kompletong listahan ng mga nagwagi sa 4th EDDYS ng SPEEd.

Best Picture – Fan Girl; Best Director – Antoinette Jadaone (Fan Girl); Best Actor – Paulo Avelino (Fan Girl); Best Actress – Charlie Dizon (Fan Girl); Best Supporting Actor – Edgar Allan Guzman (Coming Home); Best Supporting Actress – Shaina Magdayao (Tagpuan).

Best Screenplay – Antoinette Jadaone (Fan Girl); Best Cinematography – Rody Lacap (Magikland); Best Visual Effects – Richard Francis & Ryan Grimarez (Magikland); Best Musical Score – (Tie) – On Vodka, Beers And RegretsThe Boy Foretold By The Stars; Best Production Design – Ericson Navarro (Magikland); Best Sound – Vincent Villa (Fan Girl); Best Editing – Benjamin Tolentino (Fan Girl); Best Original – Theme Song – Ulan (The Boy Foretold By The Stars).

Tulad ng mga nakaraang taon, si Juancho Robles, managing partner ng Chan Robles & Company, CPAs, ang tumayong auditor ng 4th EDDYS.

Major sponsors naman ang Toktok courier service/delivery app at Beautederm Corporation. Ang iba pang katuwang ng SPEEd sa pagdaraos ng 2021 Entertainment Editors’ Choice ay ang mga sumusunod: San Miguel Corp., House Speaker Lord Allan Velasco, Rep. Alfred Vargas, Rep. Niña Taduran (ng Patrylist na ACT-CIS), Willie Revillame, Raffy Tulfo, Tiger Crackers, Aficionado of Joel Cruz, Smart Shot at Maris Pure Corp.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top