Wednesday , August 27 2025

Dito at Doon posibleng magka-sequel

DAHIL sa magagandang rebyu ng pelikulang Dito at Doon nina JC Santos at Janine Gutierrez kasama sina Victor Anastacio, Yesh Burce, at Lotlot de Leon sa online, marami ang nagtatanong kung kailan ito mapapanood sa ibang bansa lalo na ang mga kakilala naming doon na naka-base

Wala pa kasing global release ang Dito at Doon na napapanood ngayon sa Pilipinas sa limang major online streaming platforms tulad ng KTX.ph, Cinema ’76 @ Home, iWant TFC, Upstream, at Ticket2Me.

Ang pelikulang Dito at Doon ay exceeded sa expectation ng TBA sa rates at sa impact ng film sa mga nakapag-review at nakapanood. Ang sales ay base sa Pilipinas pa lang, dahil dito pa lang ito nai-rerelease. Ito ang unang local film na simultaneously nag-play sa five major online streaming platforms.

At dahil marami ang nabitin sa ending ng Dito at Doon, marami ang naghahanap ng part 2 o sequel kaya biruan sa nakaraang zoom mediacon noong Marso 29, may part two nga raw at Cebu version dahil tagaroon ang karakter ni JC bilang si Caloy.

Hmm, oo nga, posible nga bang sundan ni Len (Janine) si Caloy sa Cebu pagkatapos ng Covid-19 pandemic? At may idadagdag bang karakter si Direk JP Habac sa sequel?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Jeric Raval AJ Raval Aljur Abernica

Jeric ayaw maintriga sa pagkapanalo, inilihis sa 2 apo kina AJ at Aljur

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITINANGHAL na Best Supporting Actor sa katatapos na FAMAS si Jeric Raval na, pinagbibintangang inililihis …

Will Ashley

Will Ashley isa na sa importanteng aktor sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI na mapigilan ang sobrang pagiging in-demand at busy ngayon ni Will …

Bela Padilla Mark Lopez Carlo Katigbak Cory Vidanes Rick Tan Laurenti Dyogi Deejaye Dela Paz

Bela Padilla balik-Kapamilya at Star Magic, gustong makatrabaho si Coco 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGBABALIK-KAPAMILYA si Bela Padilla matapos pumirma ng eksklusibong kontrata sa Star Magic, ang talent …

Gela Atayde Sylvia Sanchez Joshua Garcia Rhian Ramos Alden Richards

Arjo, Ria, Gela nakopo Best New TV Personality; Joshua, Rhian, Alden top winners

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez RECORD na maituturing ang pagkakatanghal na Best New TV Personality ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas inilahad may autism, ADHD

HARD TALKni Pilar Mateo SA mundo ng katatawanan sa entertainment field, isa sa naging outstanding …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *