Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Manilyn miss agad ang pagiging Conchita Valencia
Manilyn miss agad ang pagiging Conchita Valencia

Manilyn miss agad ang pagiging Conchita Valencia

TALAGA nga namang kakaibang time travel ang naranasan ng mga manonood sa GMA Public Affairs romance-fantasy series na The Lost Recipe. Sa hit series na ito ng GTV, nakilala natin si Conchita Valencia na ginampanan ni Manilyn Reynes, isang mapagmahal na ina na gagawin ang lahat para sa kanyang anak na si Consuelo (Mikee Quintos).

Napamahal na nga kay Manilyn ang kanyang role. “Mami-miss ko po ang aking makalumang kasuotan. Ang aking pamamaraan at pananalitang malalalim, at mga payong nawa’y naisa-puso hindi lamang ng mga tauhang gumanap, kung hindi pati na rin ng ating mga minamahal na manonood. Maraming salamat po sa pagkakataong ako’y naging si Conchita Valencia,” share ni Manilyn.

Lubos din ang pasasalamat ng Kapuso actress na siya ang napiling gumanap sa role na ito. Ngayon ngang malapit na ang finale ng pinagbibidahang serye nina Mikee at Kelvin Miranda, tiyak na pati ang cast ay ma-miss ang bonding na nabuo nila sa set.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top