Thursday , May 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tambalang Ruru at Shaira aprobado sa netizens
Tambalang Ruru at Shaira aprobado sa netizens

Tambalang Ruru at Shaira aprobado sa netizens

UMANI ng positive feedback mula sa netizens at viewers ang unang episode ng ikalawang season ng I Can See You na On My Way To You na nagsimula noong Lunes.

Tampok sa mini-series ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Gil Cuerva, Arra San Agustin, Ashley Rivera, Malou de Guzman, at Richard Yap. Kuwento ito ng isang viral runaway bride na makikilala ang isang lalaking tinakbuhan naman ng kanyang bride-to-be.

Aprubado sa netizens ang kakaiba at nakaaaliw ang kuwento ng series matapos mag-trend sa Twitter ang #ICSYOnMyWayToYou.

Anang isang Twitter user, ”I love how GMA mastered the art of romcoms and light romantic series. #ICSYOnMyWayToYou.”

Subaybayan ang nakakikilig na tambalan nina Shaira at Ruru sa On My Way to You, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad.

 

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top